Wala na talaga. Magkaibang-magkaiba na ang buhay niyo ngayon. Haha. Ikaw masaya at siya masaya. Hmmmm parehong masaya pero magkaiba.
Hay..Friendster, ym, blogger, aral, kain, tulog, inom ng tubig, basa, hanap, drawing, hintay..Un lagi ang ginagawa ko.
Siya kaya?..Hay..Ewan..
Hmmm nabo-boring na ako. Gusto kong magpunta sa kahit saan. Gusto kong mawala. Gusto kong pumunta sa Baguio para maging malamig naman ang panahon. Hay. Hindi naman iba ang dahilan. Haha. Basta kung hindi man sa Baguio eh di sa kahit saan. Hmm Quezon? Hay..Basta gusto kong makakita ng ibang lugar. Sana. Sana. Sana.
Ayun gusto ko ring pumunta ulit sa Laguna, Bataan at Tagaytay. Masaya dun. Maraming maalalala. Maraming babalikan. Marami.
Nakakaboring ngayon. Naisip ko lang. Hay. Ano kaya gagawin ko para mawala ang pagiging boring ng buhay ko. Nakaka-ewan na kasi. Lagi na lang akong may hawak na libro. Lagi na lang akong nagpupuyat. Haha. Di ako nagrereklamo. Gusto ko lang mag-enjoy kahit papaano.
Namimiss ko na rin ung Time Zone at SM Megamall. Pati na rin ung Gateway at Trinoma. Hay. Lagi na lang akong nasa bahay at nasa school. Wahaha.
Hmmm pero kahit ganuon eh ang iniisip ko na lang na....Hindi ko pa panahon ngayon. Hay. Ang tagal naman ng panahon ko. Haha. Joke lang. Basta ayun. Magsikap. Magtiyaga. Maghintay. Yun lang. Hmmm. Buti na lang may internet kahit papaano nabibigyang kulay ang orange kong buhay. Haha. Buti na lang din at nanjan ka kahit wala..^^
Wala ka ng Magagawa
Thursday, October 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment