Broken ako. Nasasaktan ng sobra sa nalaman ko. Nasasaktan ng sobra sa hindi niya pagsagot sa akin.
Sabi niya dati kapag tinawag ko siya sasagot siya. Noong bago pa lang sumasagot siya pero ngayon hindi na. Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil sa nalaman kong mayroon pala siyang gusto sa iba. Hanggang ngayon kaya gusto mo siya? Bago ako dumating noong May, gusto mo na yun. May pag-asa pa kaya ako sa iyo?
Nasasaktan ako at kanina pa ako umiiyak. Akala ko ok na. Akala ko madali lang ang maghintay ng hindi nasasaktan. Haha. Akala ko lang pala yun.
Nasasaktan ako ng sobra kasi gusto kita at di ko masabi sa iyo na super na akong nasasaktan. Gusto kong malaman mo na nakakaya kong masaktan kasi gusto kita. Kahit hindi mo nga alam na super nasasaktan ako.
3 days ka ng di sumasagot sa akin. Sabihin mo kung bakit. Sabihin mo kung may ginawa ako. Nahihirapan kasi ako. Plsss. naman.
Kahit na sobrang ganito ang nararamdaman ko eh, patuloy pa rin akong mag-pra-pray at patuloy na maghihintay sa tamang panahon.
Hindi ko alam kung ano nagawa ko pero kung...KUNG mababasa mo ito...sabihin mo na lang sa akin kasi super nahihirapan ako.
Nalaman ko na ngang may gusto ka na sa iba sana.....ewan
Di ko na alam ang sasabihin ko, I mean di ko masabi sa sobrang sakit... basta ang sakit...huhu..Ang Sakit
Broken AGAIN
Monday, October 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment