First time kong umiyak ngayong college dahil sa Professor ko. Ayaw ko talaga ng PE lalo na sa Prof dun. Bad Trip. Wala akong absent. Mabait akong student. Hindi ako sumasagot sa teacher at hindi rin ako yung student na hindi kumukuha ng exam. Oo ayaw ko ng PE na subject pero pinapasukan at sinusunod ko lahat para lang pumasa at makakuha ako ng rades.
Ako ang leader sa PE subject namin. Group 2 kami kasi letter C nagsisimula ang Last name namin. Simula ng First day hanggang sa finals pumapasok ako at ako ung taong walang absent kahit may sakit ako pumapasok ako kasi mahirap umabsent.
Kanina kuhaan ng classcard sa subject na iyon. Tinawag ako ng classmate ko kasi nasa Statisitics Center ako dahil nagrereview ako doon simula 7:00am hanggang 5:00pm. Bihira lang kaming palabasin pero pinyagan akong lumabas nung prof namin na nagpapareview.
Masaya ako kasi makukuha ko na ang card ko at alam ko mataas yun kasi perfect ko lahat ng exams sa PE at mataas din ang grades ko sa Quizzes at sa Performance. Kahit di ako kilala nung prof na yun eh alam iko mataas ang grades ko kasi nga mabait ako..
Nung nasa gym na ako at nasa office eh sabi ba nman nung prof na yun ay incomplete daw ako. INCOMPLETE. Sabi ko pano nangyari yun eh ako nga ay hindi umabsent kahit isa at kinuha ko rin lahat ng exams, quizzes at pinagbubutihan ko. Sabi sa akin wala daw sa records niya. Tumulo talaga ang luha ko kasi alam ko sa sarili ko na tama ako pero siya pinagpipilitan niya na absent daw ako at hindi ako kumuha ng exams. (habang sinusulat ko ito eh umiiyak na naman ako. Huhu) Masakit sa loon na yung ka-group ko ay complete at matataas ang grades at ako eh walang nakasulat sa classcard. Mahirap ding tanggapin na kailangan kong sabihin na sige na absent at hindi na ako kumuha ng exams.
Napakabigat kasi hindi mo ginawa pero kailangan mong sabihin para lang bigyan ka ng grade. Although 1.6 ung grade ko at ung mga ka-group ko ay 1.4, 1.3 at matataas pa sa akin ay kailangan kong tanggapin kasi kung hindi wala akong grade.
Malamang daw ay maging Dean's Lister ako dahil wala akong 2 na grade. Nakakainis lang talag ang araw na ito. Ang ganda ng gising ko pagkatapos gaganunin lang ako ng pabayang prof na nagwala ng records ko. Bad trip. Wala na ba silang alam kundi ganun. Nakakainis.
Pero dahil mabait ako ay hindi na lang ako nagpunta sa Dean. Sabi kasi nung prof ko sa Statistics ay pupuntahan daw namin ang Dean. Maraming Prof din ang sasama sana pero sabi ko wag na lang kasi baka pag-initan pa ako nun sa 2nd Sem at next Year,.
Kahit kailan talaga ayaw ko sa PE. Bad Trip. Ang hirap. Ang sakit sa puso. Nakakainis. Hay.
Mahirap maging Mabait
Friday, October 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment