Sunday ngayon at sobrang dami ng nangyari.
Nung umaga, nagkatampuhan kami ng mama ko dahil sinabi ko na sa kanya na ayaw ko ng tinitipid ako . Nag-aaral namang akong mabuti eh. Hindi ako nakapag-church nung mga 1-3pm dahil dun.
Nung hapon naman, nakita ko siya. Hay. Nagkita pa nga kami sa may malapit sa cr eh kasi nagsasalamin ako. Hmmmm. Kamusta kaya siya? Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko kayang makausap siya or lumapit sa kanya kapag nanjan na siya. Bakit kaya ganun, kapag wala siya gusto ko nanjan siya pero kapag nanjan siya di ko naman siya makausap?
Ang gulo. Hmmmm. Nagtext pala ako sa kanya. Sasagot kaya siya? Sabi niya kasi kagabi na k daw. Ganito oh:
<^-^>: k
<*^^*>: Ahh. Hihi. Hi.
<^-^>: ?
<^-^>: Haha
Kanina pala, may fellowship sa church. Hindi ko talaga malapitan si <^-^>. Buti pa yung si ano hay nakausap niya si <^-^> ako hindi ko kaya. Sana talaga maging ok na ang lahat. Yun na lang ayus na eh. Basta perfect time. Hmmmmmm.
Naayos na rin ung problem ko sa bestfriend ko. Hindi pala siya galit sa akin. Hindi raw. Naniniwala naman ako sa kanya kasi nga bestfriend ko siya. Salamat din kay God para dun.
Isa pa pala, salamat kay God kasi nakita kong nakangiti ung taong gusto ko. Although hindi para sa akin ung smile na yun. Aus lang basta nakita ko.^^
0 comments:
Post a Comment