Ayan di na siya secret ngayon...
Wala pa akong nilalagay na front page sa notebook kong yun. Pero 21 pages na lang at tapos na yun. Doon ko kasi sinusulat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko masabi kasi kinakabahan nga ako. Sinimulan ko siya mga July or June tapos sinulat ko lahat ng mga pangyayari simula nung makilala ko siya. Nakasulat dun lahat. Mga pagluha ko, pagngiti ko, pagtawa at pagiging ewan dahil sa kanya.
Ngayon lang ako nag-post ng tungkol sa notebook na iyon. I mean meron na dati pero ung Karasuma at Inoue na drawing ko lang at hindi talaga tungkol sa nilalaman niya.
Balak ko kasing ibigay sa kanya yun sa November 15. Hmmmm, eto ang matinong dahilan kung bakit...
Actually nakasulat na dun sa notebook na yun ung mga dahilan kung bakit ko iyon sinulat. Nakasulat na rin ung mga gusto kong sabihin...
Hmmmm..Sana kapag naibigay ko yun eh wag siyang umiwas sa akin...Sana rin mabasa niya yun at kung hindi niya man babasahin eh ibalik niya na lang sa akin at wag niyang itapon kasi super halaga nung sa akin. Nakasulat lahat ng memories ko sa kanya dun...
Part 1 un pero ung part 2 di ko na ibibigay sa kanya...I mean...Part 1 ung notebook na 21 pages na lang ang natitira at kapag alam niya na eh ewan...Huhu
Sana talaga wag siyang lumayo at wag niya akong iwasan kasi super masasaktan talaga ako nun...Pero basat katulad nga ng sinabi ko:
"Kung karapat-dapat kong sabihin sa kanya eh masasabi ko at kapag hindi ay may mangyayaring ewan na pipigil para malaman niya.."
0 comments:
Post a Comment