May gusto ka na ba talagang iba? May nagsabi kasi sa akin eh. Nasasaktan ako. Sobra. Sana dumating din ung time na magugustuhan mo rin ako.
May nagsabi sa akin:
"Anong ginagawa mo? Nagmumukmok? Wala namang magagwa ang pagmumukmok mo kasi ikaw lang ang nasasaktan pero siya alam ba niyang nasasaktan ka. Hindi diba, kaya iba na lang isipin mo. Mag-isip ka ng masaya."
Salamat at may nag-advice pero wala eh. Nasasaktan ako. Siya lang nasa isip ko nung panahong yun. Mahirap nga namang kasing maging ganun kung di niya alam eh.
Normal siya kahapon, ngayon at ewan pero ako hindi. Sobrang hindi ako ito ngayon. Tahimik na ewan pa. Huhu. Dito ko lang sa blog ko nalalabas ito.
Kung nababasa niya man ito eh gusto ko lang talagang itanong kung gusto niya talaga yun? Kung gusto niya pa rin hanggang ngayon.
Mahirap talaga. Akala ko dati sumasagot siya sa akin kasi may chance ako un pala ayaw niya lang maka-offend. Akala ko rin dati ok lang na sumabay ako sa kanya un nga ulit ayaw niyang maka-offend kaya hindi siya makatanggi.
Gusto mo pa rin ba siya? Hindi ko kilala kung sino ung gusto mo eh pero sana sa future dumating din ung time ko. Sana sumaya rin ako. Sabi mo dati...
Super nawala ang ung lungkot ko pero ngayon di ko masabi ung dahilan kung bakit ako nalulungkot kasi ikaw nga yun kaya hindi ko masabi sa iyo.
Nalulungkot ako kasi may gusto ka pala sa iba...Nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung gusto mo rin ako...Nalulungkot ako kasi gusto kita....Super gusto kita pero hindi ko talaga masabi sa iyo.
Huhu. Hindi ko kilala ung gusto mo pero sana talaga magkaroon ako ng chance.....Hindi ko alam kung bakit ganito...Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ewan.........Lagi kong sinasabi na hindi ko alma pero ang totoo kaya ganyan ako kasi gusto kita.....
Darating din ang time na magugustuhan mo ako. Kahit na imposible at paulit-ulit kong sinasabi na ayun eh alam ko talagng ikaw na yun. Ikaw....Patuloy pa rin akong maghihintay at mag-pra-pray at gagalingan ko para magustuhan mo rin ako.....
0 comments:
Post a Comment