Siguro kung pinaglaban ko lang yung gusto ko edi sana masaya ako ngayon. Nakakapagod pa lang mag-aral kung ayaw mo ung mga pinag-aaralan mo at kung napaka-ewan ng mga classmates mo. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi katulad nung high school ako.
Ngayon ko lang sinabi sa blog ko ito. Nahihirapan na kasi ako. Umiiyak kapag mag-isa dahil lang sa nahihirapan na ako. Hay. Madali lang naman ung mga subjects pero gusto ko talaga yung Advertising. hay. Nahihirapan talaga ako at nasasaktan kasi ang saya-sayang kumuha ng advertising dahil may mga photography subjects yun tapos may computer subjects din.
Nakakalungkot. Hay. Ano kaya ang plano ni God sa buhay ko? Bakit kaya hindi niya ako pinakuha ng Advertising na course? Bakit kaya nahihirapan akong tanggapin na hindi nga ako advertising? Bakit ba hindi ko pwedeng makuha ung gusto ko? Bakit ba tumutulo ang luha ko ngayon? Bakit..Bakit.. Bakit... Hay ang sakit anman nito.
Nakakainis. Hindi ko masabi sa mama ko na ayaw ko ng HRM na gusto ko talaga ay Advertising. Matagal ko ng sinasabi sa kanya pero ayun pinipilit pa rin niya ung gusto niya. Bakit ba kasi eh?Ang hirap namang tanggapin oh. Hay. Ang bait ko kasi at sunod lang ng sunod ako sa mama ko. Ang ewan kasi oh. Bakit nga ba hindi ko pinaglaban ung gusto ko?
Hay. Kaya yung iba dyan. Naku. Ipaglaban niyo ung gusto niyo kasi mahirap kapag kinuha niyo ung ayaw niyo. Napakahirap. Hay.
Basta ayun. Ma-o-overcome ko rin yun. May purpose si God kaya HRM ang course ko. Iintayin ko na lang yung magiging result nito. Magiging successful rin ako. Hay. Matatanggap ko rin na hindi nga Advertising ang course ko at hindi ako papayagang lumipat ng course ng mama ko. Matatanggap ko rin na may kumo-kontrol sa buhay ko. Matatanggap ko rin na hindi ko talaga makukuha ung gusto ko.
Kung may pangalawang buhay lang siguro(kahit alam kong wala...), pipiliin kong mag-Advertising. Kung mabubura or mababalikan ko lang siguro ang past ipaglalaban ko talaga ung gusto ko.
Ang bad trip naman. Hay. Ilang taon pa kaya akong luluha dahil sa hindi ko pinaglaban ung gusto ko? Ilang taon kaya akong magtitiis?
Hay. Haha(tawa na lang..kahit mahirap). Ayun. Sabi ko nga. Hay. Ang hirap pero kailangan tanggapin. Basta ayun. May plano si God sa buhay ko. Mahirap mang sumunod kailangan mo pa ring sumunod. Pinadadaan ka niya sa best way. May plano nga SIYA ang kulit naman eh. Sundin mo na lang ha. Huhu. Tama na ang pagluha. Tigilan mo na. Masasaktan at mahihirapan ka lang.
Siguro nga..
Tuesday, October 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment