Haha. Maulan ang umaga ngayon pero pagdating ng hapon super init.
Maaga akong pumasok dahil may exam kami. Even though na dapat ay wala ng pasok pero kailangang pumasok. Hay. HRM kasi un at major subject ko yun.
Naglalakad ako papunta sa buliding ng HRM at mejo malakas ang ulan pero wala kasi akong dalang payong kaya naglakad ako ng mabilis. Pero hindi maxado kasi enjoy yung ulan. Ang sayang maglakad sa ulan. Hay...^^
Pagdating ko sa may room namin nakita ko naka-lock ito kaya di kami nakapasok nung isa kong classmate. Tapos pagharap ko sa may over-looking eh nakakita ako ng rainbow. Nakita ko ung rainbow at dalawa sila. Ang ganda. Super tingkad nung kulay at ang ganda ng langit. Madilim ung isang side pero ung rainbow na dalawa ang nagpaganda doon. Hay. Hindi ko maalis ang tingin ko.
6:33am ko nakita ung rainbow at ang unang ginawa ko ay nagsend agad ako ng message dun sa taong napaka-importante sa akin. Kapag may rainbow (kahit na dalawang beses ko pa lang nakikita ang rainbow ngayong year na ito) ay sinasabi ko kaagad sa taong yun kaya siya unang nakakaalam na may magandang rainbow sa langit. Hindi ko na inaasahang magreply siya kasi busy yung taong yun pero at least na-i-share ko sa kanya na masaya ako kasi may rainbow at natutuwa ako lalo kapag nalalaman niya. Basta. Haha.
Bihirang makita pero napakasayang pagmasadan.
^^
Hindi ko talaga maalis ang tingin ko at 6:51am na maganda pa rin ung rainbow kaya lang pawala na. Mejo malabo na. Haha. Pagtingin ko sa cellphone ko nagreply siya at lalong naging masaya kaya lang sabi niya wala daw rainbow kung nasaan siya. Hay. Aus lang yun. Makakakita rin siya nun at sana next time kasama ko na siya kapag nakakita ako nun. ^^
7:23am nawala ung rainbow. Totally na nawala. Hay. Ang saya at aun naging maganda ang araw na ito salamat kay God. Salamat sa rinbow at kay <^-^> . Napakasaya ko. Hmmmmm.
0 comments:
Post a Comment