Hmmmm. Habang nag-pra-practice kanina ang praise team ng church namin ay nararamdaman ko ang malamig na simoy na hangin. Napakalamig at ang sarap sa pakiramdam. Nakakatuwa. Malamig na at halata namang malapit na ang Pasko.
Hindi lang yun, nakakakita na rin ako ng mga Parol, kumikinang ng mga Christmas designs, mga iba't-ibang size ng Christmas Tree sa National Bookstore at mga pang-regalong nakalatag na ngayon sa mga tindahan.
Bukas na rin ang mga Bazaar at mga Tiangge. Maraming tao na rin ang nagkalat kapag gabi sa may Ynares Center(although di pa ako nakakapunta dun. Balita lang sa akin. Haha).
Hmmmm. Malapit na talaga ang Pasko pero hindi naman sa mga bagay na ito nagiging makulay ang Pasko eh kundi sa simbolo nito. Haha.
Sana maging masaya ang Pasko ko. Sana talaga. Sana i-greet mo koat wag mong kakalimutan ung hinihingi ko. Hay. Kahit hindi sa birthday ko basta ayun maibigay mo lang masaya na ako.
Salamat sa iyo. Hmmmm. Hindi ko na ngayon iniisip maxado ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Maraming Salamat sa tulong mo. Maraming Salamat.
Christmas is Coming
Saturday, October 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment