Isa ako sa ilang taong gustong magka-amnesia. Haha. Gusto ko na kasing makalimutan ung mga dapat kalimutan na ayaw makalimutan ng utak ko.
Gusto ko ng makalimutan ung mga araw na iyon. Hay. Lagi ko na lang naalala. Gusto ko na ring makalimutan ung mga ewan sa buhay ko...
Hmmm. Pero siguro kung magkaka-amnesia ako, marami rin akong gustong tandaan katulad na lamang ng mga sumusunod:
1. Gusto kong maalala na gusto ko ung Canon.
2. Gusto kong maalala ung My Sassy Girl at Windstruck.
3. Gusto kong maalala ung notebook ko para sa EWAN.
4. Gusto kong maalala ung mga kantang gusto ko, ung mga librong paborito ko.
5. Gusto kong maalala na pangarap kong makapunta sa Korea.
6. Gusto kong maalala na naging masaya pala ako kahit papaano nung high school pa ako.
7. Gusto kong maalala ung (0-0) at ung *.*.*
8. Gusto kong maalala ung mga napag-aralan ko na para di ako mahihirapan haha.
9. Gusto kong maalala ung mga pangarap ko pang iba lalo na siya.
10. Gusto kong maalala itong blog ko, kasi halos lahat na lang nandito na.
Hmmmmm..kasi naman...hay.. Nagyon ko lang na-realize na madami pala akong gustong maalala pero kaunti ang makalimutan....Pero ung kaunting un naman kasi ay sobrang bigat. Super bigat talaga...
Haha. Ang gulo
0 comments:
Post a Comment