Kanina nasa palengke kami at namimili ng mga sangkap sa aming lulutuin bukas para sa Cooking Contest. Habang buminili kami ay may babaeng may dalang anak ang nagalabit sa classmate ko at naghihingi ng limos. Nakita ko kung paano niya hawakan ang classmate ko at naawa ako pero hindi pa rin namin siya binigyan. Nakakalungkot na iyung paghawak niya sa classmate ko ay may kasamang ewan basta malambot or pano ko ba i-e-explain kakaiba kasi eh.
Naalala ko tuloy nung pumunta ako sa SM North Edsa at nasa jeep ako, may batang sasakay ng jeep ang humawak sa tuhod ko at natuwa ako kasi hindi ko aakalaing para lang makasakay siya ay aalalayan siya ng tuhod ko. Tumingin sa akin yung bata at ngumiti at nginitian ko naman siya.
Isa pang nakakatuwa sa simpleng paghawak ng mga tao ay yung mga baby. Nakakatuwa kasi yung baby naimn sa bahay ay lagi akong hinahawakan. 2 years old pa lang siya pero sobrang close kami at nakakatuwa kasi gusto niya hawak niya yung isang daliri ko at buong kamay niya ang hahawak. Nakakatuwa talaga yung mga ganung moments kasi di mo aakalain na magyayari yun at bihira lang yun.
May nabasa nga ko na simpleng touch mo lang sa baby ay magiging masaya na sila. Simpleng touch mo lang sa malungkot na tao at kaunting salita ay mapapagaan mo na ang damdamin nilang nahihirapan. Simpleng touch mo lang sa taong gusto mo ay buong buo na ang araw mo. Simpleng touch mo lang sa mga kaibigan mo ay para ka na ring nakikipagusap sa kanila.
Ang saya lang isipin na yung mga simpleng hawak ng tao ay nakakapagpasaya ng damdamin kahit minsan eh medyo malungkot din. Nakakatuwa lang talaga na maraming hindi mo kakilala ang humawahak sa iyo at mas nakakatuwa kung itong paghawak nila ay nakakatulong. Basta ang saya talaga nung mga simpleng bagay na iyon kahit kakilala mo pa o hindi basta nakakatulong.
A Simple Touch
Thursday, August 21, 2008
Posted by Miss Invi at 5:50 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment