Grabeh, mid-term exam na namin bukas at sobrang nagreview ako (sa panaginip). Math, Filipino at P.E> ang exam bukas at Math at Filipino pa lang ang narereview ko. Nakakatamad kasi magreview lalo na kapag masakit ang ulo at puso mo.
Ang ganda ng araw ko kanina dahil akala ko magluluto kami ngayon ng pasta. Sobrang ang saya ko kasi bibigyan ko siya ng pasta at sasarapan ko talaga ang luto para sa kanya pero lahat nagbago dahil sa hindi dumating yung prof. namin. Bad trip.
Ang cute ng langit kaninang umaga. Mga 7:30am un ng lumabas ako sa classroom dahil walang prof. at nandun din ung mga classmates ko. Tinignan ko ang langit sa sobrang blue nito, walang clouds ang ganda talaga at maya-maya eh bigla namang nagkaroon ng clouds. Tapos sabi ko sana wag umulan sa hapon pero umulan at umuulan ngayon. Bad trip.
Nagkaroon kami ng drawing class buti na lang at dala ko ang aking mahiwagang pencil case(ang tanda na pero may pencil case pa rin haha). Wala akong dalang ruler at oslo paper pero buti na lang at mababait ang taga kabilang section at pinahiram ako. Maya-maya nangheram ng sharpener ang classmate ko. Ung sharpener ko ay mamahalin kasi may tatak yun at ang tatak ay Standars. Basta ung nasa commercial at talagang pinagipunan ko iyon. Ang ganda niya tumasa sibrang ganda talaga. Hiniram nga siya nung classmate ko at ignorante ata at ng tinapon ang mga tasa eh pati ung shrapener ay nasama. Napasigaw ako kasi ang mahal nun tapos tinapon nila sa labas ng bintana at ayun nalaglag sa kabilang bakod. Bad trip.
Pero kahit naging bad trip ang iba sa araw na ito ay masaya pa rin ako( i mean pinipilit lang). Nagpapakasaya paar di mukhang malungkot..SMILE ALWAYS!!!..even if u are sad
Exam bukas
Tuesday, August 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment