Kanina habang pauwi ako sa bahay kasi galing ako ng SM North Edsa nag-shopping. Nakkatuwa palang bumili ng bagay gamit ang perang pinaghirapan mo...hehe..ok balik sa kfc.
Ayun, kanin dumaan ako sa may Farmer's Cubao nung pauwi na ako kasi doon yung daan. Nakita ko ung KFC mga 1:30pm un eh...pero ayun di ako kumain kasi sabi ko sa may Antipolo na lang..hehe
Tapos nung nasa may Antipolo na ako, sabi ko wag na lang, eh umulan at ayokong mabasa ung paperbag ng heartstrings at human kaya pumasok ako sa KFC.
Noong una akala ko sarado kasi walang tao. Kaunti lng ang kumakain. Mga 3 pm na iyon eh. Tapos ayun pinapasok ako. Nung nasa may counter na ako, di ko alam kakainin ko kasi gusto ko ng ice cream, ng chocolate mousse, ng soup, ng brownies pero ayun ang pinili ko ung Full Loaded Meal. Yun ata tawag dun eh hehe.
Kumakain na ako at napansin kong kaunti lang ung gravy kaya hinanap ko ung refill. Naalala k0o nung high school ako, tambayan kasi naman ang KFC, lagi naming kinukuha ung gravy at pinansasabaw sa burger..haha..yucckky..ay yummy pala..adik sa gravy ng KFC...buti nga free refill eh hehe.
Ayun...hindi ko naubos kaya take out na ung mashed potato at brownies, souvenier ba..hehe..joke..Mamaya ko na lang kakainin. Tapos ng matapos na ako sa pagsipsip ng rootbeer eh kinuha ko ung libro na binili ko at binasa saglit..pampalipas oras ba..hehe..habang nasa KFC pa..wala namang tao eh..Tapos after 15 mins umuwi na ako kasi inaantok na ako at maaraw na ulit.
KFC trip!!!
Tuesday, August 12, 2008
Posted by Miss Invi at 4:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment