Hmmm, cguro nagtataka kau kc patxt 2ng pagsulat q ngaun. Grabeh, iba na talaga ngaun. Haha. Ayan makikita nyo ang:
- haha
- hmmmm
- aus
- eh?
Ba't nga ba patxt ang gamit q ngaun? Kasi marami ng Pilipino ang gumagamit ni2 kahit sa skul. OO, tama, sa skul. Nagulat nga aq dahil nung hs(hi Skul) kami walang gan2 pero ngaun ayun meron na. Iba na talaga ang Pilipino ngaun.
Isa na rin cguro 'to kung bkt marami ng Pinoy ang hnd magaling sa spelling. Hmmm minssan nga aq eh nabiktima na rin ni2. Hnd q alam ang spelling ng confectionary (confectionery). Bang hirap ba naman. hehe. Minsan din di q na matandaan ung iba.
Hmmm. Isang solusyon ang aking natuklasan. Ano yun? Para maiwasan ang pagiging mahina sa spelling, try nyo na wag magcellphone ng isang buwan. Ako? Nako ginawa ko yun at ayun ma-fefeel mo na iba talaga ang buhay na may cellphone at walang cellphone. Darating ung tym na gusto mo magtxt pero babawalan mo ang sarili mo dahil sa kailangan ay di ka magtxt.
Kailangan lang ng disiplina sa sarili. Makatutulong pa tayo sa pag-unlad ng bansa. Bakit? Kasi sabi ng teacher ko nung hs pa ako, kapag daw literate o may alam ang karamihan sa Pinoy ay magiging maunlad ang bansa natin. Huwg nating hayaan pagtawanan tayo ng mga taga-ibang bansa dahil sa maling spelling at grammar natin, imbes mag-pursige tayo na matuto.
Hmmm, ang layo na ng narating ko at isa pa di na patext ang sulat ko. Tignan niyo ang epekto ng isang buwan na walang cellphone. Diba mas maganda kapag tama ang spelling at mas maiintindihan.
Ngumiti Palagi!!!
0 comments:
Post a Comment