Grabeh, kauuwi ko lang galing ng Ortigas. Simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay paikot-ikot at palakad-lakad kami sa may Ortigas. Nalibot na ata namin ang lahat ng hotel doon.
Sobrang init at nadagdagan pa ito dahil sa aming mga suot. Formal na formal. Naka-slocks, polo, blouse na formal at ayun haha naka-heels. Kamusta naman? Nilakad namin ang Edsa Shangrila Hotel hanggang Richmonde Hotel papuntang Landen Suites(Switzerland na hotel, international ba...di ko matandaan kung landen eh basta next time i-e-edit ko ito ilalagay ko rin pics namin) at ang huling hotel ay ung Holiday Inn.
Napakasungit ng staff sa Edsa Shangrila Hotel dahil 6 kaming nagpunta at ako lang ang pinapasok. Mabait naman ung sa may information pero yung dun talaga sa may west area na mga doorman eh ang sungit. Nung nasa may HR department na kami ng hotel eh mabait naman ung mga staffs ng security. Kahit na di kami pinapasok eh aus lng kasi may pictures naman kami.
Sa may Richmonde Hotel naman, ay napakaganda ng entrance nila. Ung sa may lobby at ang bait nung mga receptionist pati narin ung doorman. Pinayagan kaming kumuha ng mga pictures.
Ung sa may Landen Suites, ang bango. Pagpasok namin ay mayroong ewan doon. Ung tumutunog pagpumapasok ka ung sa mga airports tapos ay kakapkapan ka ng mga doorman. Ayus lang din doon. Bawal nga lang kumuha ng pictures pero as usual stolen shots haha.
Ang Holiday Inn lang ang di namin napasok pero meron kaming "brochures". Brochures daw at hindi flyers sabi nung taga-UP Baguio na bellman. Kahit na di kami pinapasok eh nakakuha pa rin kami ng litrato sa may entrance ng hotel.
Nga pala di ko pa nasasabi kung para saan yung hotel trip namin. Itong hotel trip namin ay project sa aming school. Dapat kaming mag-interview ng mga front desk staffs pero hindi nga pwede iyon dahil sa may HR Department ka dapat mag-interview.
Nakakatuwa naman dahil marami kaming guards na naka-ngitian at maraming tao kaming nakilala. Nakakalungkot mang isipin na iyong ibang mga tao na hindi naman mataas ang posisyon ay siya pa ang nagiging masungit at iyong mga superiors naman ay mababait.
Isa lang ang natutunan ko sa aming trip at ito ay dapat magdala ka ng letter of request para makapasok ka sa hotel. haha
Hotel Trip
Monday, August 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment