Hay naku, ang dami kong natuklasan ngayong araw na ito. Sobrang nakakapagod.
Ibang-iba na talaga ang college life kasi ung mga teacher hindi consistent. Walang pakialamanan. Kakaiba.
By the way, ngayong araw na ito natuklasan ko na talagang nakakagising ang rock music. Biruin mo gumising ako ng maaga para lang i-try ang bago kong cd na kaka-burn lang nun isang gabi. Grabeh totoo pala yun. haha. Try niyo, gising kayo ng maaga tapos i-todo nyo ung volume ng player niyo para magising kayo. Rock Music yun ha. Yun bang mga kanta ng Paramore, New Found Glory, The Starting Line, Red Jumpsuit, Boys Like Girls at ayun madami pa.
OK, hmmmm..Nang makarating ako sa school, sobrang sakit ng paa ko kasi ba naman ang suot kong sapatos eh sobrang closed shoes at sa sobrang close eh magdudugo na ata ang paa ko. Ang sikip. Haha. At least di ako pinansin ni mamang guard na minsan ay pinagalitan ako dahil naka-tsinelas daw ako eh siya ng raw naka-sapatos. Hay hindi lang ako maintindihan ni mamang gurad kasi ayaw kong mabasa ung cute kong sapatos pero ayun dahil dun sa mamang guard na iyon nasira ang saptos ko kaya ngayon nagtitiis ako sa masikip na closed shoes na iyon.
Grabeh pag-pasok ko sa school, exam agad ang unang subject tapos math tapos Filipino. Hay naku-ano kaya score ko sa Filipino haha. Ok hmmmm habang nagtuturo ung teacher ko sa Filipino eh ilan sa amin ay pasimpleng nagsusuot ng jogging pants para sa P.E. na sobrang hapit ang oras dahil pagkatapos ng Filipino ay kailangan tumakbo sa gym para sa subject na iyon. Haha, isa ako dun sa hapit kung magsuot ng jogging pants. Medyo nahalata kami ng teacher namin kaya ayun nagbigay ng mahabang assignment. Parusa. haha
Sa P.E. naman, hmmm worried ako kasi naiwan ko ung permit ko. Prelims kasi namin dun eh. Haha. Pero aun pinayagan pa rin kami ng teacher namin. Hay, san ka makakakita ng exam na walang nagbabantay kaya aun ung mga classmate ko todo kopya. Maliban sa akin kasi ako soundtrip. Todo-volume at pinakikinggang pa rin ung rock music kasi excited haha.
Pagkatapos ng P.E., wow, break. Sa wakas makakakain na kami ng lunch. Ahhh..sobrang kakabusog hehe. Bad trip lang kasi naghintay kami ng dalawang oras pero aun wala pala kaming next class. Naglaro na lang yung iba kong classmate ng badminton at ako soundtrip ulit. Haha
Ngayon, eto gumagawa ng blog tungkol sa adventure ko ngayong araw. Haha. Ang haba. Hmmm. Sana may bumasa nito..hehe
Adventure ko?
Wednesday, August 6, 2008
Ngumiti Palagi!!!
Posted by Miss Invi at 6:25 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment