Hmmm..pangarap ko talaga ang magkaroon ng magandang camera kasi naman ung digicam na gamit ko ayun iba na ang color pag nagpi-picture. Color green ka kapag gabi. Hanep diba?
Ako ung tao na gustong kuhaan lahat ng nakikita kong maganda. Minsan kahit di rin kagandahan basta magustuhan ng mata ko.
Mabilis kasi ako makakita ng kung ano-ano. Katulad na lang ng ulap. Minsan kung ano-ano ang na-fo-form ko at itinuturo ko sa mga classmates ko. Sasabihin naman nila sa akin na 'ay oo nga no' o kaya ay 'a ang ganda ah'. Yung mga ganoon kong nakikita eh ang sarap kuhaan ng litrato. Para ba may ilalagay ka sa friendster mo.
Isa pa. Ang pangarap ko rin eh ung mga litratong nakikita ko ay mailagay ko sa blog ko. Dito. Ang unang plano ko kasi sa blog ko ay magi itong Photo Blog pero since wala akong magandang camera ay ang ginagamit ko na lang eh ung mga magagandang litrato sa photobucket. Astigin din kasi ung mga pictures doon.
Basta pangarap ko sa buhay ang magkaroon ng magandang camrea at kumuha ng magagadang memories na mailalagay ko dito sa blog ko.
Note: Malapit na birthday ko. Sino gusto mag-regalo.Haha. Parinig lang. Haha. Hindi..Joke ko lang iyun!! Pero malapit na nga birthday ko.
Photography
Thursday, August 14, 2008
Posted by Miss Invi at 5:59 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment