Isang oras na at chapter 4 na ako sa pagbabasa ko ng Stainless Longganisa. Itinigil ko muna dahil naalala ko baka biglang magbigay ng long quiz ang mga prof. ko. Mas bad trip kng mababa ang makukuha ko.
Di ko mapigilan na buksan ang blog ko at i-type ang nakakalungkot sa isip ko.
Bakit?..Kasi natukalasan ko na meron din pala si Bob Ong na kwento tungkol sa mga text. Naalala nyo pa ba ung article ko tungkol doon. Nalungkot ako kasi ngayon nalaman ko na meron din pala si Bob Ong nun. Matatapagpuan ung sa kanya sa page 60 ng libro niyang Stainless Longganisa at yung akin sa Pa-text.
Nalungkot din ako ng mabasa ko ang kwento niya tungkol sa isda. Yung tatlong isda niya na namatay. Nalala ko kasi yung aso ko na namatay din. Hindi lang iyon naalala ko rin ang alaga ng kuya ko na isda. Yung maliit na color blue kasi nakita ko na lang na nilalapa na ito ng isa pang isda. Nakakalungkot eh no.
Bad trip din kasi pinaalis na ako ngayon ng bunso kong kapatid sa computer eh madami pa akong gustong sabihin. Nakakainis talaga.
Hmmm..bilang last words ko ngayong gabi...nais ko lang na malaman nyo na aksidenteng nagkatulad lang kami ni Bob Ong ng iniisip dahil nabili ko ang libro niya ngayong araw na ito at naisulat o na-encode ko sa blog ko ung article ko noong August 6. Hay...ganun pala ang feeling na may katulad ka sa pagsulat..pero aus lng din kasi at least kahit minsan may naisulat ka na alam mong ikaw ang gumawa kahit hindi mo alam na may katulad ka nung ginawa mo iyon.
Salamat Bob Ong!!!
Bad Trip
Tuesday, August 12, 2008
Posted by Miss Invi at 7:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment