Kagabi dahil naiinis ako at hindi ako pwedeng maging ewan ay umiyak na lang ako. Pinipilit ko kasing magbago na kaya binubura ko na yung dating ako na kapag galit ay nagdadabog kaya umiyak na lang ako sa kwarto at nakinig ng rock music hanggang maubos ang battery at kusang namatay ung pinakikinggan ko. Nakatulog di ako at paggising ko kaninang umaga ay maga ang mata ko.
Nang pumasok ako sa school ay namamaga ang mata ko kaya sabi nila mukha daw akong KOREAN. Tawa naman ako kasi nung high school ako yun din yung sinasabi sa akin ng mga classmates ko..(sana lagi na lang maga mata ko..^^).
Habang nag-eexam ako eh nahihirapan ako kasi medyo di ako sanay ng namamaga ang mata at nagbabasa. Pero success pa rin.
P.E. namin ng umiyak na naman ako. Nagalit kasi ang classmate ko sa akin dahil sa sharpener ko. Nawala nila ung sharpener ko kahapon at medyo napasigaw ako pero di naman ako galit kaya lang talaga eh sila na nga ung pinaheram at nakawala nung sharpener ko eh sila pa yung magagalit. Naiyak ako kasi hindi nga ako pwedeng magsalita ng masakit at hindi ako pwedeng magdabog kasi nga pinipilit kong maging mabait kaya ayun ako lang ang nag-suffer ako yung umiyak at ako ang sinisi pero di ako lumaban kasi ayokong makasakit kapag nagsalita ako. Minsan kasi di ko anmamalayan na masakit na yung nasasabi ko. Minsan pero kadalasan noon. Nung High School pa ako kaya ngayon binabago ko.
Naiyak din ako kasi sa test paper kanina. Di pa talaga ako kilala nung mga classmate ko sa college. Ang problema nila ay hindi raw ako nakikisama dahil ipinasa ko kaagad ang test paper ko pagkatapos ko mag-exam. Wala namang masama sa ginawa ko kasi sanay na ako. Nung high school kasi ako eh ganun kami kaya ayun. Ano naman kung ipapasa mo kaagad? Mayabang ka na ba nun? Di ko naman intensyon un ah. Ayoko ngang maging mayabang kaya ako pa ung nagbabago para sa kanila kasi palagi na lang ako yung sumasagot sa teacher, sa quizzes pero bakit naman ung test paper pa ang sinita nila. Hay ewan ko sa kanila basta ako mag-aaral mabuti.
Sobrang maga ang mata ko ngayon. Dumoble pa kesa klaninang umaga dahil lang sa knaila. Hindi na ako masaya sa nangyayari sa akin pero alam ko tutulungan ako. Just Pray!!!
Lahat naman tayo nagkakamali at nagakakasala ng hindi sinasadya kaya sana ma-gets nyo ko. Pabayaan nyo akong ganito kasi kayo di ko pinapansin ang mali nyo kaya wag nyo kong husgahan. Masama ang manghusga. Pero nakapaghusga din naman ako at isang beses lang yun pero di ko na ulit ginawa sa inyo kasi alam kong mali at sobrang iyak ako nun dahil naalala ko ang sabi sa Bible na, Don't Judge others, diba nagkamali ako kaya sorry at alam kong pinatawad na ako sa ginawa ko kaya sana wag na kayong maghanap pa ng mga kakampi nyo para magalit sa akin kasi pinagsisihan ko na yun at nagbabago na ako ngayon kaya please Stop.
Sa;amat at naibuhos ko dito ang sama ng loob ko. Ngayon...SIMLE ka na!!..Pilitin mo kahit mahirap..ready..1, 2, 3,.....SMILE!!^^
Namumugtong mga Mata
Wednesday, August 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment