Tagalog na to kasi di ko na talaga kaya. Kinakain na ako ng sarili ko. Ilang gabi na akong umiiyak at di makatulog dahil sayo.
OO gustong gusto kita. Kausap kita ngaun. Alam mo ba gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin na gusto kita, na maghihintay ako. OO inaamin ko na. Di ko na talaga kaya. Sorry kung na-iilang ka. Sorry talaga.
Naiinis na nga ako sa sarili ko kung bakit ako ganto eh. Ang gulo ko kasi. Na-eewan na ako. Naiinis talaga ako sa sarili ko.
Na-mimiss na kita ung ikaw, ung dati, ung friendship natin. Friendship nga ba un?...ewan ..basta
di ko masabi ng harapan kasi pangit tignan. OO pangit nga. Kaya nga di ko sinasabi sau eh. Kaya nga ganun. Kaya ang ewan ko. Kaya nagagawa ko ung magulong di ko dapat gawin. Kaya ako ganto.
Tama ka ako lang naman nagpapahirap sa sarili ko kasi lagi kitang iniisip. Lagi na lang ikaw. Simula ng makilala kita lagi na lang ikaw. Simula nun. Sana naman wag kang lumayo. Alam ko, oo nga pala sabi mo di ka laging nandyan...Na may ginagawa ka palagi. Wala na ako. Wala na talaga.
Tignan mo umuulan na naman. Ang ewan talaga. Ayoko na!!!....sasabog na ako sa kaiisip. Lagi na lang kasi akong nag-iisip. Pano ba kita maalis sa isip ko?....ayaw ko na baka bigla akong mapagod at ayaw kong mapagod kasi gusto kita., sabi ko nga at lagi kong prayer na bigyan ako ng patience and hope sa paghihintay sa iyo. O ayan sa iyo na talaga hindi na sa taong ewan ko kung ano ba talaga.
Pasensya ka na talaga. Sorry. Sorry Sorry
wala na akong masabi kundi sorry sa mga pinag-gagagawa ko. Di lang talaga ako makagawa ng tama pag naiisip ka. Kaya nga ang ewan ko...Tina-tryy ko na alisin ka muna sa isip ko pero ayon....medyo mahirap..hindi pala medyo!!..sobra...kasi natatakot ako na bigla kang mawala....kaya yun...kung mabasa mo man to,,...ano kaya sasabihin mo?
ano sasagot ka ba siguro hindi at magprepretend ka lang na wala kang nabasa. Parang ewan kasi ako eh. Tignan mo dito ko sinasabi at di sa iyo!!...gumagamit pa ako ng code na pizza pero alam ko naman na alam mo na ikaw un...na ikaw yun..na ikaw yun...paulit-ulit na kasi ang ewan ko talaga..
nahihiya na ako...sobra....sobrang sobra,,,pero wala akong magagawa pag di ko nalabas to ang ewan na ng mundo ko. Lalong gugulo ang mundo ko ang isip ko. Try ko na di ka isipin...try lang..sana magsucceed. Sana.
pero kung mabasa mo man to...try ko nga eh...pero di pa rin mawawala yung "gusto kita" Hindi mawawala yun...oo sobrang ewan ko na....alam mo ba ibig sabihin ng ewan....hmm alam mo na siguro un....
diba...ang ewan ko!!!...di ko masabi ng harapan, di ko masabi ng totoo, kainis na cellphone yan....ang sarap itapon pero di ko matapon kasi nandun ka....mawawala ung message mo..isa pa pala un..di ko dinedelete ung messages mo kasi ayaw kong mawala...parang ikaw kasi un eh...
alam mo naman kung ano tong sinasabi ko diba!!...sana naman basahin mo to!!...ng maintindihan mo na ako!!!...Na-eewan na talaga ako!!!....ayaw na..ayaw na...hindi sa ayaw kita kundi sa ayaw ko na na magalit ka..isa pa ayaw ko na mareject mo ako....pero habang tumatagal..parang ganun na rin ang nagyayari....dahil nga sa ginagawa ko...dahil dun...ano??...ang ewan ko no!!!
sabi ko nga iintayin ko ang perfect time..kung bibigyan man ako ng chance na ikaw nga..talagang iintayin ko ung time na yun..kasi gusto kita!!!...na sana mayroon nga akong inaantay diba!!Na sana di nasasayng ung panahon ko na maghintay sa iyo, na sana balang araw eh ikaw nga talaga yun!!!
sobrang gulo ko!!..ayan sinabi ko na..edit ko na lang pag may naalala ako.....pero sa ngayon to muna...
Eto gusto kong Sabihin sa iyo!!!
Monday, July 14, 2008
Posted by Miss Invi at 1:10 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment