hmmm..Tagalog ulit.
Di mo na ako pinapansin. Di ka na tumitingin sa akin. Di ka na ngumingiti. Di mo ba alam na nakakalungkot yun?
Siguro kailangan na kitang kalimutan. Malungkot man pero kailangan kasi nasasaktan ako.
Ayaw man ktang kalimutan pero kailangan kasi mukhang ayaw mo naman sa akin. Akala ko pa naman magiging masaya na ako pero ewan ko biglang naging ganun. Ewan kasi ako eh diba?
Matatagalan bago kita tuluyang makalimutan. Matatagalan.
Pero naniniwala ako na kung tayo talaga sa future edi tayo. Mag-me-meet ulit ang ating ways. At iintayin ko pa rin yung time na yun. Na kahit kakalimutan kita ngayon, aasa pa rin ako na darating yung time na magiging masaya din ako kapag nagmeet ulit ang ways natin.
Tandaan mo. Kakalimutan kita ngayon pero hindi mawawala yung feelings ko sa iyo. Mawawala lang yung pagiging close ko sa iyo. Mawawala lang yung happiness ko. Mawawala lang yung smile ko. Mawawala lang saglit kasi alam ko di naman siguro masyadong matagal yun.
Babalik din lahat ng yun sa tamanag panahon. Alam ko, naniniwala ako, at nagtitiwala
ako na mag-me-meet ulit ang daan natin. Babalik ung ngiti, ung, tawa, at yung ikaw.
It hurts. Wahaha. OO it hurts ang corny eh no? Ganun talaga. It hurts na namamaga na ung mata ko kakaiyak sa iyo. It hurts na lagi na lang akong tulala at iniisip kung paano ba magiging ok ang lahat. It hurts na nagiging plastic ako dahil ngumingiti ako pero ang totoo gusto kong umiyak. It hurts ulit dahil para akong ngumingiti sa pader. Di ka man lang mag smile back. It hurts na di ko na feel maging psyduck ulit dahil naaalala lang kita. Pokemon ako sabi mo. Ewan.
Hmmmmm....Kakalimutan kita for a while pero promise ikaw pa rin yung nandito sa heart ko. Wahaha Corny na naman.
Basta ayun na yun. Bahala na. I'll just pray for me and you. I trust, believe and I have faith for you. Bahala na, wahaha. EWAN.
pero parang ewan pa rin ako kasi magsusulat pa rin ako ng blog ko tungkol sa iyo or sa mga nangyayari sa akin at kapag nalulungkot ako dahil sa iyo kasi medyo..MEDYO..gumagaan yung pakiramdam ko pag nagsusulat ako ng tungkol sa iyo.
diba ANG EWAN NG MUNDO KO SIMULA NUNG MAKILALA KITA. MASAYA AKO DAHIL SA'YO. MR. EWAN KO. wahaha
Goodbye Pizza, See you someday!!!
Saturday, July 19, 2008
Posted by Miss Invi at 7:07 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment