Bakit nga ba ang unfair ng buhay? Nakukuha mo ung di mo gusto pero ung gusto mo di mo makuha?
Nanalo nga ako sa quiz bee pero hanggang ngayon di ko pa rin nakukuha ung gusto ko. Di pa kasi pwede. Matagal na panahon pa ang lilipas. Di ko rin alam kung makukuha ko ba iyun. Basta naghihintay lang ako. Sana nga makuha ko iyon.
Di ko rin masyadog ginusto na makasali sa quiz bee. Wala lang kasi yun nung una. Ewan ko basta nagjoin lang tapos ayun napili tapos inasahan ng mga classmate.
Firts time kasi magkaroon ng HRM Student na kasali sa Math Quiz Bee. Ano nga ba naman kasi ang connect ng HRM sa Math?
Ayun nga napilitan galingan at napilitang magpuyat kakareview para lang maitayo ang HRM. Napilitan sa pagsasabi ng mga Prof. na galingan ko raw. Hay.
Sapilitan. Pero MEJO na-enjoy ko naman kasi marami rin akong natutunan. Na-enjoy ko rin kasi may isang tao na nagsabi ng goodluck at congrats sa achievements ko. Although marami ang nagsasabi pero ayun siya ung nagbigay ng tuwa sa pag-aaral ko. Nagbigay ng saya na galingan ko para makita niya. Nakita nga ba niya?
Bakit kanina parang wala lang? Bakit nung araw ng laban ko di ka man lang nag-good luck? Inaasahan pa naman kita nun. Super. Kaya nga di na rin ako nagreply sau na nanalo ako kasi di ka naman nag-goodluck. Wala nga lang pala ako sau.
Anyway, ikaw pa rin ung reason kung bakit masaya ako. 1% sa iyo at 99% kay God. I mean 99% kay God kasi kung di dahil sa kanya eh wala ako sa Quiz Bee at 1% sa iyo kasi ikaw nagbibigay saya sa pag-aarala ko.
Okie. Ahmmm. Ewan. Bakit nga ba di ko masabi sa iyo? Di ko pa rin masabi kasi natatakot akong mawala ka. (na naman) At na naman ulit na naalala ko ang sabi mo na "Hindi naman ako palaging nanjan." Hay buhay. Ouch. Ouch. OUch.
Wala akong magawa. Wala akong magawa. Di kita makausap. Di kita mangitian. Nakikita lang kita ngunit hindi ko nagagawa ang gusto kong gawin. Gusto sana kitang kausapin ngunit wala akong magawa. Wala na lang palagi. Sana ngumiti ka kanina. Kanina ko pa inaantay ngumiti ka ngunit hindi mo nagawa.
May bukas pa naman. Sana bukas ngumiti ka ulit. Ngitian mo ako. Hay. Imposible ba yun? Basta ako lagi akong naghihintay sa ngiti mo. Hihintayin ko kahit sobrang ewan na.
Sa iyo na anman itong article na ito. Hay Di ko rin naman alam kung nababasa mo ito. Sa mga mambabasa ko, ayun pasensiya na ulit ha. Nagpost naman ako ng iba eh. Kung gusto niyo ung iba na lang ang basahin niyo. Di ko lang talaga ma-express ito. Hay. Pasensya na ulit.
Maulang gabi sa inyong lahat. A-araw rin bukas at kung hindi man mayroon pang ibang araw para makita niyo ang ngumingiting araw. Makikita't makikita niyo rin yun. Someday, someday, and someday. Sa perfect time. Basta magtiwala lang kayo.
Eto na naman ako. Nalulungkot. Katulad nga ng araw, sasaya rin ako. Kung hindi man bukas, alam kong darating ang araw na matutupad lahat ng pangarap ko at isa ka na dun. Magtitiwala lang ako at matiyagang maghihintay sa tamang panahon na iyon.
Bakit ang Unfair?
Saturday, September 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment