Yeah...7 hours to go tatanda na naman ako...haha..Ayihhh..namiss kong gumamit ng sariling wika dito sa blog ko ahh...kaya ayan Tagalaog na Tagalog po tayo ngayon..Haha..
Ayun...countdown na..Hmmm..Ano kaya mangyayari sa susunod na taon ng buhay ko...Mga bagong karanasan na iiyakan, tatawanan at hindi papansinin...Mga bagong taong makikilala..Mga bagong bagay na matututunan..Mga bagong ka-ewanan na naman....
7 hours to go...Matatapos na ang pagiging 16 ko...Hmmm...Marami akong gustong i-countdown or gawing list...haha..eto ung susunod na linya..I mean susunod na paragraph..or ewan..eh gagawin ko para sa countdown ng mga bagay na gusto kong mangyari sa susunod na taon ng buhay ko...^^
16. Hmmm..gusto kong makakain pa ng maraming kakaibang pagkain..(Halata bang gutom ako ngayon?..) Haha..Joke lang...I mean gusto kong matikman ung mga pagkain sa iba't-iabang lugar tapos iluluto ko tapos makakain ko na rin...
15. Makapagbasa pa ako ng maraming libro. Makarinig pa ako ng maraming at bagong mga tunog. Makanuod pa ako ng maraming movies. Makapunta pa ako sa mas malalayong lugar at hindi lang sa buong Luzon..^^
14. Ma-realize nung taong yun na nag-e-exist ako..haha...Pangarap ko yun..pero kapag na-realize niya na eh..matagal pa rin ung panahon na iintayin ko..haha//^^
13. Palagi pa rin akong titingin sa langit...Palagi ko pa ring tititigan ang ulap, bituin, buwan...Kaya..aun gusto kong palaging maganda ang weather..I mean...Gusto kong walang araw..Kahit napaka-imposible...Ung gusto ko naman eh...walang araw pero maliwanag....Kung baga ung araw eh laging natatakpan ng ulap at malamig..haha..Baguio style....
12.Hay...ang hirap naman..ano pa ba ang pwede?...Aun..haha..Magiging super bait na ako kay Ching...Hindi ko kasi pinapansin si Ching ngayong mga panahong ito kasi super kulit nya eh..Kaya aun...Love na love ko un..Haha
11. Hmmm..Babaguhin ko na rin ung ako..Haha..May advice ung cm8 ko..I mean nagtanong ako ng magandang advice from a psychologist's side na magagawa ko sa sarili ko...ang resulta...Dapat eh iwasan ko ng maging recessive..Yup..Recessive..So ibig sabihin kailangan ko ng maging ako..Haha..Iiwasan ko na ung pag-control nung ibang tao sa akin..Dapat may freedom..Haha..Kaya sa mga taong mahilig mang-control..Hmm.di nyo na ako maco-control ngayon..haha
10.Ngayong 17 na ako...bagong buhay sa school...Hmmm..Dapat di ako makakuha ng 2 na grade...Yup..pipilitin ko..yeah matinding puyatan..matinding aral..at walang pake-elamanan na ang magyayari sa akin..Hmm Iba na ako ngayon...Super serious na ako sa school kaya aun...Gagalingan ko..dahil..."In everything that I am doing, I do it for God.."
9. Gusto kong makapunta sa Baguio. Yeah..Pupunta ako dun..Hmmm ewan ko lang kung kelan basta ngayong 17 na ako..(I mean bukas 17 na ako..haha) eh makakapunta na ako dun...Hmmm...ng mag-isa..Haha
8. Gusto kong magkaroon ng maraming ideas na mailalagay ko pa dito sa blog ko...Haha...Para naman marami akong maisulat..^^
7. Hmmm ngayong taong ito, kahit imposible, eh gusto kong makasama siya..Wahaha..I mean, makita ko siya or magkaraoon ako ng lakas ng loob na makasalamuha sa kanya..Di ko kasi kayang kausapin ng matino yun eh..Haha..Ung mga nasasabi ko eh ung mga bagay na hindi ko naman talaga gustong sabihin. Ung mga bagay naman na gusto kong sabihin sa kanya eh..di ko masabi...
6. Gusto kong mapanuod ung Twilight. Yeah. Since mga para sa 17th year lang ito ng life ko eh mejo mga short term lang..haha..Di lang mapanuod ung Twilight kundi mabasa ko na lahat ng books nun..Haha
5. Gusto kong magkaroon ng guitar...or violin..Haha...or kahit maka-pag-play lang ako nun palagi ok na..Haha..Na-mi-miss ko kasi nung high school pa ako...palagi akong nag-gi-gitara..^^
4. Hmmm..Sa susunod na taon ng buhay ko, gusto kong magkaraoon na ng cellphone na gusto ko. Mejo malapit ng matupad yun..Haha..Malapit na talaga...ang matagal eh ung digicam ko..Gusto kong ma-upgrade na ung digicam ko..Haha..pero matagal pa naman un kaya ayun...ung cp ko muna...Haha
3. Sana hindi pa muna magunaw ang mundo...Hay..(sori po)...Hmm Sana wag po muna..Hmm pangarap ko pa kasing mabuhay ng mejo matagal...Panagrap ko yun kasi gusto kong matupad ung pangarap ko para sa KANYA..hmmm ewan..Haha..Basta pangarap kong matupad muna yun...
2. Gusto kong makita pa ng marami ang smile NIYA. oo Ung SMILE NIYA...Haha..Sana ngumiti siya palagi..Hmmm...
1. Gusto kong makapagbigay, makagawa ng iba pang mga bagay para kay God. Gusto kong i-please si God at gusto kong maging isang mabait na bata..I mean dalaga..Haha..Dalaga na ako?..Haha..aus ah..^^
aun haha.ang hirap gawin nito ah..haha...^^
7 hours to go..
Friday, November 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment