Ui. Haha.
Ilang buwan na ring kakaiba ang buhay ko. Nagbago ang lahat. Sobrang daming pagbabago. Hindi katulad nung high school. Ibang-iba.
Hay. Nagbago dahil sa isang tao. Hmmmmm eto listahan ulit oh:
- Nag-aaral ako ng mas matindi kaysa nung high school para maging successful ako in the future.
- Nakikinig na rin ako ng rock music ngayon at nalaman ko na kahit masakit sa tenga eh magaganda naman pala. Lalo naman ung meaning haha.
- Gusto ko na ang ulan ngayon. Natuto rin akong magpakabasa sa ulan kapag pauwi galing sa school. Haha. Kami ng mga cm8s ko.
- Lalo kong nagustuhan ung School Rumble.
- Nagkaroon din ako ng journal tungkol sa mga nangyayari kapag nanjan ka or kapag nakakausap kita.
- Natutunan kong wag masyadong mag-isip dun sa mga bagay na EWAN.
- Lagi na akong gumagamit ng word na EWAN, Hay, at ewan. Haha.
- Palagi na akong nag-pra-pray. Hay. Basta. Hmmm Sorry.
- Hmmm palagi akong nag-cecelebrate ng mahiwagang EWAN tuwing Linggo.
- Palagi akong nakatingin sa cellphone ko at naghihintay sa anu mang mensaheng darating galing sa iyo. Kung mayroon man. Hay!
- Mas lalong naging hilig ko ang pag-dra-drawing ng mga anime dahil naalala ko ikaw dun. Haha. Mais!!!
- Hmmm dumarami na rin ang banat ko. Hehe.
- Palagi akong naghihintay sa computer para lang makausap ka. Sory kung nakakaistorbo minsan.
- Lagi na ring akong nag-hihintay sa rainbow..^^
- Natuto rin akong maniwala sa basta.Nakakahiya..^^
- Natutunan ko rin ang maghintay at maging patience. Hay. Maraming araw pa kasi ang lilipas.
- Natutunan ko rin ang sumulat sa blog tungkol samga nararamdaman ko. Hmmm actually nabuhayan ako kasi dito ko lang nasasabi yung mga gusto kong sabihin sa iyo na di ko masabi. Hindi mo naman kasi ito binabasa. Hay. OK lang. (p.s. kapag nabasa mo kaya ito magagalit ka).
- Hmmm. Natutunan ko rin ang ngumiti kahit hindi dapat. I mean ngumiti kahit nasasaktan na..hihihi...EWAN
- Naging adik ako sa clouds sa kadahilanang kapag hindi kita nakikita alam ko namang nasa ilalim ka rin nung cloud kung nasaan ako. Hay. ^^
- Nagkaroon ako ng pinanghahawakan, ng pangarap.
- Naniniwala akong matutupad ang mga pangarap ko dahil isa ka dun. Hihi..Sana^^
- Hmmmmm. Basta maraming nagbago sa buhay ko.
Yun..ahmmm...maraming salamat pala kasi sa isang ngiti mo lang ok na..hihi...inspired na ulit ako....smile ng marami...^^^^^^^^....Hmmm hindi mo lang laam na ang saya saya ko kasi may nadaanan akong isang ikaw!!!..aa^^....hihi
0 comments:
Post a Comment